Alibata

Released on: December 14, 2007, 10:17 pm

Press Release Author: Alibata

Industry: Computers

Press Release Summary: Alibata is an ancient writing system that was used in what is
now the Philippines. Although it was all but exstinguished by Western colonization,
variants of it are still used in parts of Mindoro and Palawan, and it is also
increasingly used by Filipino youth as a way to express their identity.

Press Release Body: Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

. Interasado sa pag-ambag sa Wikipedia? (mula sa Wikipediang Ingles) .

Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Baybayin or Alibata (alam sa Unicode bilang Tagalog script) ay isang katutubong
paraan ng pagsulat ng mga Filipino bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila.
Ito ay hango sa Kavi na paraan ng pagsulat ng mga taga-Java. Ito ay bahagi ng
sistemang Brahmic (na nagsimula sa eskriptong Sanskrit) at pinaniniwalaang ginagamit
noong ika-14 siglo. Ito ay patuloy na ginagamit nang dumating ang mga Kastila
hanggang sa huling bahagi ng ika-19 siglo. Ang ibang kahalintulad na mga paraan ng
pagsulat ay ang mga Hanunóo, Buhid, at Tagbanwa. Ang salitang baybayin sa
kasalukuyang wikang Tagalog ay katunayang nangangahulugan ng pagbigkas ng mga titik
ng isang salita, o "to spell" sa wikang Ingles.

Paggamit

Ba Be Bo (sa Baybayin)

And sistema ng pagsulat ay ayon sa sistemang abugida na gumagamit ng pagpaparis ng
katinig at patinig. Bawat titik, kung isulat sa payak na anyo, ay isang katinig na
nagtatapos sa patinig na "A". Upang isulat ang isang katinig na nagtatapos sa ibang
patinig, maaaring maglagay ng kudlit sa ibabaw (kung nais isama sa patinig na "E" o
"I") o sa ilalim (kung nais isama sa patinig na "O" o "U"). Ang paglagay ng kudlit
ay naaangkop lamang sa mga katinig, at hindi maaaring gawin sa mga patinig. May
sariling mga marka ang mga patinig. Gayon pa man, may isang simbolo lamang para sa D
o R dahil ang mga ito ay tinatawag na "allophones", na kung saan ang D ay maaaring
may "initial", "final", "pre-consonantal" o "post-consonatal" na posisyon, at ang R
naman ay may "intervocalic" na mga posisyon.

Sa orihinal na anyo, ang isang nagsosolong katinig (isang katinig na walang kasamang
patinig) ay hindi maaaring isulat. Ito ay dahilan kung bakit ang Kastilang pari na
si Francisco Lopez ay nagpasimula ng paggamit ng mga kudlit sa kanyang pagsasalin ng
mga aklat sa katutubong wika. Noong 1620, nagsimulang gamitin ni Father Francisco
Lopez ang kanyang sariling mga kudlit na nag-aalis ng mga patinig sa mga katinig.
Ang ginamit niyang kudlit ay nasa anyong "+", bilang pag-ukoy sa Kristianismo. Ang
simbolong "+" ay ginagamit din sa katulad na dahilan sa virama sa eskriptong
Devanagari ng India.

Sa kasalukuyan, ang mga simbolo ng Baybayin ay nasa Unicode at kilala sa tawag na
Tagalog Sign Virama.

Ba Be Bo B (in Baybayin)

Wi-Ki-Pe-Di-A (sa Baybayin)

Tunog

Alpabetong Baybayin

Web Site: http://www.webcreativesolutions.com/alibata/

Contact Details: Philippines alibata.batuta@gmail.com

  • Printer Friendly Format
  • Back to previous page...
  • Back to home page...
  • Submit your press releases...
  •